KRISTA MILLER OFFICIAL STATEMENT ON KRISTA MILLER - RICARDO CAMATA SCANDAL AND CONTROVERSY WITH VIDEO

Krista Miller once made news as the alledged other woman in the Sunshine Cruz - Cezar Montano marriage. The main cause of the break up as they say. Once again she is in hot waters after her visit to convicted Drug Lord Ricardo Camata. Starlet Krista Miller broke her silence, saying that her visit to a high-profile convict was “purely business.

Miller dispelled insinuations that she got intimate with Camata during her hospital visit, saying that their interaction was related purely to her job now as a real estate agent.

A closed-circuit television (CCTV) footage showed the Miller and her handlers stayed in the Metropolitan Medical Center for an hour, while she and Camata were left alone in his room for 10 minutes.

“The issue that I went to the room of Mr. Camata for 10 minutes, I just want to clarify that we did not do anything that would taint my image as a woman,” Miller said in Filipino. “I’m not a bad woman, I sell real estate properties and not myself.”

Miller confirmed that she met Camata when she served as a guest at the National Bilibid Prisons for a “sagala” (parade) project. Miller said that she was not aware that the Department of Justice did not approve of Camata’s hospitalization.

“My office knows of that transaction because we are required to report to the office three times a week to let them know if we sold any units.”

KRISTA MILLER's OFFICIAL STATEMENT ON THE CONTROVERSIAL INCIDENT

Kung masama po akong babae, hindi po sana ako nalagay sa red line for two months dahil hindi ko po naabot 'yong sales ng quota ko.

Hindi ko na po 'yon kailangan dahil sa totoo lang po maraming kliyente na nag-ooffer sa akin ng mga indecent proposal pero hindi naman po ako ganoong klase ng babae kaya nagtatrabaho po ako ng marangal at wala po akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung tatanggapin ko lahat ng mga indecent proposals nila. At sana kung tinanggap ko po 'yon, di sana ang taas taas ng sales ko.

Pero kailangan ko pong maalis sa red line kaya sobra po talaga 'yong effort ko na makabenta as long as wala akong masamang gagawin.

Ito po rin 'yong reason kung bakit pumunta ako ng ospital para makumbinsi ko po si Mr. Camata na bumili ng condo unit sa akin.

Purely business po ang transaction namin ni Mr. Camata. Sabi kasi sa akin ng talent coordinator na nagbigay ng sagala project po sa loob ng National Bilibid Prison, kung saan nakilala ko po doon si Mr. Camata, high-profile daw po siya. Kaya doon po naisipan ko na pwede ko po s'yang alukin ng condo, baka po p'wede n'ya akong matulungan na bumili sa akin si Mr. Camata tapos bibigyan ko na lang po s'ya ng referral fee.

'Yon naman po 'yong kalakaran namin sa trabaho namin. 'Yon po ang dahilan kung bakit sinamahan ako ng talent coordinator ko sa ospital.

'Yong issue po na bawal pala s'yang bisitahin dahil hindi ako family member, at wala s'yang clearance from the DOJ na ma-confine, hindi ko po alam 'yon.

Uulitin ko po na pumunta lang ako doon bilang ahente ng condo na nagbebenta sa isang potential client.

Alam po ng opisina ko ang transaksyon na 'yon dahil required po kaming mag-report sa office thrice a week para malaman kung nakakapagbenta po ba kami o hindi.

'Yong pangalawang issue po na hindi ako kinapkapan, hindi ko rin po alam 'yon. Hindi ko naman po alam 'yong proseso sa loob. In the first place, dapat 'yong mga jail guards na nandoon ang nag-iinitiate kung 'yon pala 'yong mga dapat nilang gawin.

Wala naman po akong dalang drugs noong mga panahon na 'yon. Ang dala-dala ko lang po noon 'yong mga brochures ng mga project na ipe-present ko kay Mr. Camata.

'Yong issue rin po na naiwan kami sa loob ng room ni Mr. Camata for 10 minutes, gusto ko lang po na i-clarify na wala kaming ginagawang kadungisan, ng kahit anong makapagpapadungis sa pagkatao ko.

In fact, may pumasok po no'ng first na inayos 'yong kanyang swero. Ang pinag-usapan po namin ang mga condo units na ino-offer ko sa kanya sa loob ng 10 minutes na 'yon at sa oras na nandoon ako sa loob ng ospital.

Wala po akong tinatago kaya willing po akong magcooperate para ma-clear lang po 'yong pangalan ko.

Uulitin ko po sa inyo, hindi ako masamang babae, real estate po ang binebenta ko, hindi ang sarili ko. 'Yon lang po. 

No comments:

Post a Comment