Showing posts with label Folklore. Show all posts
Showing posts with label Folklore. Show all posts

The Boy who Became a Stone - Philippine Folk Tales, Myth, and Legend


One day a little boy named Elonen sat out in the yard making a bird snare, and as he worked, a little bird called to him: “Tik-tik-lo-den” (come and catch me).

“I am making a snare for you,” said the boy; but the bird continued to call until the snare was finished. Then Elonen ran and threw the snare over the bird and caught it, and he put it in a jar in his house while he went with the other boys to swim.

While he was away, his grandmother grew hungry, so she ate the bird, and when Elonen returned and found that his bird was gone, he was so sad that he wished he might go away and never come back. He went out into the forest and walked a long distance, until finally he came to a big stone and said: “Stone, open your mouth and eat me.” And the stone opened its mouth and swallowed the boy.

When his grandmother missed the boy, she went out and looked everywhere, hoping to find him. Finally she passed near the stone and it cried out, “Here he is.” 

Then the old woman tried to open the stone but she could not, so she called the horses to come and help her. They came and kicked it, but it would not break. Then she called the carabao and they hooked it, but [85]they only broke their horns. She called the chickens, which pecked it, and the thunder, which shook it, but nothing could open it, and she had to go home without the boy.

ANG ALAMAT NG SAGING (THE LEGEND OF BANANA - A FILIPINO FOLKLORE)


VERSION 1

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.


VERSION 2

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun Sa isang baranggay may magkasintahan na labis na nagmamahal sa bawat isa. Sila ay sina Juana at Aging.

Bagamat tutol ang ama ni Juana sa kanilang pag-iibigan ay patuloy pa rin sa pagniniig ang magkasintahan.
Minsan galing sa bukid ang ama ni Juana. Hinugot nito ang tabak at tinaga ang braso ng binata. Tumakbo ito at tumakas. Hinabol siya ni Juana,umiyak at tinawag niya si Aging. Nang hindi na niya matanaw si Aging ay binalikan niya ang putol na braso ng kasintahan at binaon sa kanilang bakuran.

Kina-umagahan ay nagulat ang ama ni Juana sa isang halaman na biglang sumulpot sa kanilang bakuran.Ito ay kulay luntian,may mahahaba at malalapad na dahon.Kulay dilaw ang bunga nito na animo'y kamay at mga daliri ng tao. Napasigaw siya sa labis na pagkagulat.


"Juana!Juana pumanaog ka nga,"tawag niya sa anak."Anong uri ng halaman ito?ngayon lang ako nakakita ng ganyan puno!"

Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging.

"Ang halamang iyan ay si Aging"wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging Saging.
pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

ALAMAT NG MANGGA (THE ORIGIN OF MANGO - (A FILIPINO FOLKLORE)


Mannga or mango is one of the most popular and consumed fruit in the Philippines. Curiously, there are two versions of its origin, in the form of folklore, of course.

VERSION 1

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sakanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan niBen.

Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalangnangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyanng damit.Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben.

Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalinginang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa.Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso niBen, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok.

Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

VERSION 2


Noong unang panahon ay may isang malupit ng hari. Kinatatakutan siya ng kanyang mga nasasakupan. Siya ay si Haring Enrico. Sa isang banda ay gusto naman ng mga tao ang ganoon. Nagkaroon kasi sila ng disiplina. Maraming masasamang gawain ang maiiwasan dahil sa takot sa parusang iginawad ng hari.

Isang araw may nakatakas na mga bilanggo sa kulungan ng kaharian. Nagpaimbistiga si Haring Enrico. Nalaman niya na nakatulog pala ang kawal na bantay kaya madaling nakatakas ang mga bilanggo.Agad niyang ipinatawag ang kawal. Tinanong niya ito kung bakit natutulog sa oras ng trabaho. Sinabi ng kawal na puyat ito dahil sa pagbabantay sa anak na may sakit.

"Puyat ka pala, dapat nagpapalit ka para di tayo natakasan ng mga bilanggo!"anang hari. Hindi nakasagot ang kawal. Alam nito na siya ang may pagkakamali. Hinatulan ito ng hari na mabilanggo bilang parusa sa kapabayaan.

Napaiyak ang asawa at anak ng kawal dahil sa awa sa lalaki. Nakiusap sila na pakawalan ang kawal ngunit hindi pumayag si Haring Enrico. Walang nagawa ang mag-ina kundi ang umiyak. Nang malapit na ang kaarawan ng hari ay nagpalabas siya ng isang patalastas sa mga nasasakupan. Ayon sa patalastas, ang sinumang makapagdadala na wala pa ang hari o pagkaing hindi pa natitikman ay makahihiling sa kanya at kanya namang ipagkakaloob.

Natuwa ang asawa ng bilanggo dahil sa balita. Kaso wala naman itong maisip na maaaring ibigay sa hari. Naisip nitong yayain sa gubat ang anak para maghanap ng kahit anong maibibigay sa hari. Inabot sila ng pagod at gutom. Pauwi na sila ng isang diwata ang lumitaw sa kanilang harapan. May hawak na dalawang malalaking bunga ng halaman ang diwata. Kulay berde iyon. Noon lang nakakita ang mga ito ng ganoong bunga.

"Ito ang ibigay ninyo sa hari," sabi ng diwata. "Itago muna ninyo ito sa inyong bigasan at ilabas mismo sa kaarawan ng hari." "A-ano po ba ang bungang ito?" tanong nila. "Mangga ang tawag diyan. Wala niyan dito sa lupa. Sa aming daigdig lamang meron niyan at itinuring naming sagrado ang bungang iyan." "Maraming-maraming salamat po!" sabi ng mag-ina at nagpaalam na sa diwata. Tuwang-tuwa nagsiuwi ang mga ito.

Sinunod ng asawa ng kawal ang bilin ng diwata. Nang sumapit ang kaarawan ng hari ay kinuha nito ang dalawang bunga. Nanggilalas ito nang makitang naging dilaw ang bunga at mabangong-mabango.

Maging ang hari ay nanggilalas nang m akita ang dalawang hinog na bunga na nasa amoy palamang ay mukha ng napakasarap.Agad niyang kinain ang isa at lubha siyang nasarapan.

'Anong pangalan ng bungang ito ?" tanong ng hari.
"Mangga po sabay na wika ng mag-ina.
"Mangga? Ngayon lamang ako nakakita ng bungang ganito.Saan galling ito?"
"Bigay po sa amin ng isang diwata."
"Dahil sa kakaiba at masarap na bungang dala mo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin mo." Sabi niya sa asawa ng kawal.
"Hinihiling ko po sa mahal na hari na makalaya ang aking asawa" sabi ng babae.
"Matutupad ang iyong kahilingan."

Noon din ay nakalaya ang asawa ng babae. Sa labis ng katuwaan ng hari ay binigyan pa ng kaunting halaga ang mag-asawa.

Matapos kainin ang mga bunga ay ipinatanim niya ang mga buto ng mga iyon upang muli siyang makatikim ng pambihirang bunga.

Nang tumubo at mamunga nang marami ang mga puno ay natikman iyon ng kanyang mga nasasakupan. Nagtanim din ng mga buto ang mga tao.

Mula noon ay nakilala na ang prutas na tinawag nilang Mangga

ANG ALAMAT NG MAKAHIYA (THE LEGEND OF MAKAHIYA - A FILIPINO FOLKLORE)




Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska.  Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria.  Mahal na mahal nila ang kanilang anak.

Si Maria ay responsible at masuring anak.  Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat. Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria.  Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao.  Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.

Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria.  Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman.  Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.

Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan.  Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente. Kinabukasan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria.  Nakita ni Mang Dondong na parating ang mga bandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.

Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan.  Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.

“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska.  “Iligtas nyo po ang aking anak.”

Biglang nabuksan ang pinto.  Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong.

Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag.  Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.  Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay.  Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria.  Pero di nila nakita ito.  Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan.

Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido.  Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria.  Pero wala doon si Maria.  Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria.

“Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska . Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa.  Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito.  Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman.

Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska.  Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.

Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman.  Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria.  Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din.  Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.

ANG ALAMAT NI BERNARDO CARPIO (THE LEGEND OF BERNARDO CARPIO - A PHILIPPINE FOLKLORE)




Nuong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila ay mayruong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag, matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalu na tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit.  Ang mga bata sa kanilang pook ay inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang umaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.

Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin na magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.

Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na niyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ng isang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang magturo ng Kristiyanismo.

Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang. Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio, isang matapang, bantog, makisig, at maalamat  na mandirigma sa bansang Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay ni Bernardo Carpio sa Pilipinas.

Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihirang lakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapag isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan sa masukal na kagubatan ng San Mateo.

Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at napilay. Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan ang kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo sa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan.

Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy mula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilan upang mabilis etong gumaling at nagsimulang nagpamalas din ng pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayo ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay laging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.

Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga karapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiis man ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon na hindi na nila matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan ay nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sa hangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa kanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si Bernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.

Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himaksikan ng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si Bernardo ang napipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g mga Kastila. Dahil sa pambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam nilang mahihirapan silang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpay pa eto.

Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas ay nabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo upang maging matagumpay ang himaksikan laban sa mga mananakop. Dahil dito ay gumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay inanyayahan nila si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag lamang upang sa tulong ng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at hindi na makapamuno sa himagsikan.

Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila ay may nahuling isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim sa eksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng simbahan upang sugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng engkantado.

Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu na sumapi sa engkantado na ititigil nila ang eksorsismo (exorcism) kung tutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng mga Kastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ng agimat na taglay ng engkantado.

Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilang inanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila ay may nakahandang bitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib ay naghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis na naglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado ang kanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sa pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.

Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-unting siyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas upang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.

Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa may paanan ng yungib ay naramdaman nitong may masamang nangyayari kay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan upang humingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bago naunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga  halinghing at pag- aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin nila ang pagkawala ni Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahil lagi silang magkasama.

Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangka nila etong pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na ay sinalubong sila ng nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at ikinapilay ng ilang kalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-uumpugang mga bato at nuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ng engkantado. Sila ay nangatakot at bumalik sa kapatagan ng hindi nakita si Bernardo.

Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naiipit ng nag- uumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhi eto ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.

Ang pagkawala ni Bernardo ay naging malaking dagok sa namumuong himagsikan ng mga Pilipino dahil sa pagkawala ng isang malakas at matapang na pinuno. Lumipas pa ang ilang taon bago muling nabuo ang loob ng mga Pilipino na ituloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila.

Taung 1895 nang muling magpulong ang mga kalalakihan sa yungib ng Pamitinan at duon, sa karangalan ni Bernardo Carpio, ay ginawa nila ang unang sigaw ng himagsikan laban sa mga Kastila.

ANG ALAMAT NG PINYA (THE ORIGIN OF PINEAPPLE, A FILIPINO FOLKLORE)




Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.  Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.


Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinya, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.